PAGASA: Walang sama ng panahon sa bansa sa susunod na 3 araw

Hanging Amihan pa rin ang tanging weather system na nakakaapekto sa bansa sa kasalukuyan.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, walang inaasahang sama ng panahon sa loob ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Sa ngayon, apektado ng Amihan ang Cagayan Valley Region, Aurora, Quezon, Bicol Region at Eastern Visayas.

Makararanas ang naturang mga lugar ng maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay makararanas ng mainit at maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas pa rin ang gale warning at mapanganib ang paglalayag sa eastern seaboards ng Luzon, Visayas at Surigao Provinces.

Posibleng umabot sa 4.5 meters ang alon sa naturang mga baybaying dagat.

Read more...