Pamilya Batocabe itutuloy ang karera sa pulitika

INQUIRER Southern Luzon

Mananatili sa pulitika ang pamilya ng pinatay na si Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Ayon sa anak ng kongresista na si Justin, ang pananatili sa pulitika ang pinakamainam na paraan para makaganti sa mga pumatay sa kanyang ama.

Kapag bumitiw anila sila sa pulitika ay parang itinatwan na rin ng pamilya ang legasiya ni Batocabe na hanggang sa kanyang pagkamatay ay nagseserbisyo publiko.

Sinabi naman ng misis ni Batocabe na si Gertie, bukas siya sa posibilidad na pagtakbo bilang alkalde ng Daraga kapalit ng kanyang asawa.

Gustong ipakita ng pamilya na sa kabila ng pagkawala ng kanilang padre de pamilya ay malakas at handa pa rin silang magsilbi sa mga tao.

Isa pang opsyon na kandidato sa pagka-alkalde ng bayan ang kapatid na lalaki ni Batocabe na residente rin sa Daraga.

Read more...