Bigtime oil price rollback asahan sa darating na linggo
Asahan ang malakihang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), magkakaroon ng isa pang round ng bigtime oil price rollback dahil sa pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado.
Paliwanag pa ni Energy Undersecretay Felix William Fuentebella, kailangan munang magbaba ng presyo ang mga oil companies bago ipatupad ang pangalawang round ng Tax Acceleration for Inclusion (TRAIN) law.
Iginiit ng opisyal na dapat munang i-aapply ang rollback para matukoy ang base price bago i-aapply ang excise taxes.
Tinatawag na supply glut ang dahilan ng pagbaba ng presyo ng petrolyo kung saan marami pa ring produktong petrolyo sa merkado habang bumagal ang demand o ang pagbili ng consumers sa buong mundo.
Sa ngayon ay inaalam pa ng ahensya ang eksaktong halaga ng rollback habang hinihintay ang full assessment ng bentahan hanggang Biyernes.
Sa ilalim ng TRAIN law, P2.00 ang dagdag na excise tax sa kada litro ng petrolyo simula January 1, 2019.
Dahil dito ay tataas ng P4.50 ang excise tax sa kada litro ng diesel at P9.00 naman sa gasolina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.