Karen Gallman handa na para sa Miss Intercontinental pageant

By Justinne Punsalang January 04, 2019 - 12:39 AM

Handa na ang pambato ng Pilipinas para sa 2019 Miss Intercontinental pageant.

Bagaman holiday season ay ginamit ni Karen Gallman ang panahon upang maghanda para sa coronation night na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa January 26.

Sa send-off party na isinagawa ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BBCI) kagabi, ibinahagi ni Karen na naging mahirap ang kanyang training para sa pageant.

Kwento ni Karen, kabilang sa kanyang paghahanda ang pagkakaroon ng magandang pageant walk at maayos na sagot para sa Q&A.

Nagpupunta rin si Karen sa mga bahay-ampunan upang magsagawa ng volunteer works.

Ibinahagi rin ng beauty queen na edukasyon ang isa sa kanyang mga adbokasiya. Aniya, matapos niyang ma-experience mismo ang pagkakaiba ng edukasyon sa Pilipinas at Australia ay gusto niyang madala sa Pilipinas ang mas magandang education program ng Australia.

Dumalo sa send-off party ang iba pang mga bagong beauty queen ng Pilipinas na sina Binibining Pilipinas Grand International 2018 Eva Patalinjug, Binibining Pilipinas 2018 second runner-up Samantha Bernardo, at Binibining Pilipinas Globe Michele Gumabao.

Mula nang magsimula ang Miss Intercontinental pageant ay hindi pa rin naiuuwi ng Pilipinas ang korona at umaasa si Karen na siya ang makapagdadala ng naturang karangalan para sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.