Tanod binaril sa Quezon City

By Justinne Punsalang January 04, 2019 - 03:41 AM

Elmo Tullo

Nasa maaayos nang kalagayan at nagpapagaling sa ospital ang isang lalaki matapos itong barilin sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Bong Reyes, 50 taong gulang, at isang aktibong barangay tanod.

Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad, naka-duty si Reyes sa Sinagtala Street nang bigla na lamang dumating ang isang riding-in-tandem sa lugar na nagmula umano sa Batasan Road.

Nilapitan ng mga suspek si Reyes at pinagbabaril nang hindi bababa sa limang beses.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga salarin na pawang nakasuot ng helmet.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek, bagaman nagpatuloy ang mga ito sa pagpapaputok.

Bagaman tinamaan ng bala sa batok ay agad na naisugod sa ospital ang biktima na mabilisang nalapatan ng lunas.

Hirap ngayon ang mga pulis na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek, dahil bukod sa walang plaka ang ginamit nilang motorsiklo ay wala ring CCTV sa lugar na maaaring pag-aralan upang matukoy ang mga salarin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.