Duterte muling binanatan ang Simbahang Katolika; separation of Church and State iginiit
Naging maanghang na naman ang mga bagong birada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Simbahang Katolika.
Sa talumpati sa birthday ng kanyang dating political adviser na si Francis Tolentino, ipinahayag ng presidente na bigo ang Simbahan na sundin ang ‘separation of Church and State’ na itinatakda ng Konstitusyon.
Muling inalala ni Duterte ang pari na nagbiro na sana ay mamatay na siya sa kasagsagan ng isang misa para kay Senador Antonio Trillanes noong Setyembre.
Ito anya ang dahilan kung bakit siya gumanti at nagsabing dapat patayin na ang lahat ng obispo at mga pari.
Hindi umano niya kailanman sinabi na hindi siya naniniwala sa Diyos pero hindi anya istupido ang kanyang Diyos at may common sense ito.
Hindi ito ang unang beses na binatikos ng presidente ang Simbahang Katolika at kamakailan lamang ay kwinestyon ang doktrina tungkol sa ‘Trinity’ at pagpapapako ni Hesukristo sa krus.
Ang bagong kritisismo ni Duterte ay ilang araw lamang makaraan ang open letter ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ibinahagi niya sa Facebook tungkol sa mga anti-Christ na umaatake sa Simbahang Katolika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.