Higit 21 milyong deboto makikiisa sa kapistahan ng Itim na Nazareno

Inaasahang higit sa 21 milyong deboto ang makikiisa sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno mula December 31 hanggang January 9.

Sa media briefing kahapon, sinabi ni Rev. Fr. Danichi Hui, Parochial Vicar ng Quiapo Church na noong nakaraang taon, umabot sa 21 milyon ang nakiisa hanggang sa matapos ang pagdiriwang.

Ani Hui, kada taon ay inaasahan nila ang paglago ng bilang ng mga deboto at kumpyansa silang mahigit 21 milyon ang lalahok ngayon.

Noong Miyerkules, sinabi ni National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar na inaasahan nilang sa Traslacion pa lamang o prusisyon ng Poon ay aabot na sa higit 2.5 milyon ang deboto.

Nanawagan naman si Quiapo Church Rector Msgr. Hernando Coronel na huwag sasali sa prusisyon ang mga debotong may hypertension at manatili na lamang sa mga ilalagay na istasyon para sa kanilang kaligtasan.

Read more...