VP Robredo nangakong ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga nasalanta ng #BagyongUsman

By Justinne Punsalang January 04, 2019 - 02:21 AM

Leni Robredo

Nangako si Vice President Leni Robredo na ipagpapatuloy niya at kanyang opisina ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Usman, partikular ang mga biktima ng landslide sa Bicol region.

Sa kanyang official Twitter account, hinimok ni Robredo ang mga Pilipino na makiisa sa pagtulong para sa mga biktima ng bagyo.

Ayon sa pangalawang pangulo, sa kanyang pagbisita sa Sagñay, Camarines Sur ay personal niyang nakita ang malaking pinsalang iniwan ng bagyong Usman.

Nakalulungkot din aniya ang mga narinig niyang kwento ng mga nakaligtas sa pagguho ng lupa ngunit nawalan naman ng mahal sa buhay at matutuluyan.

Noong Miyerkules ay nagtungo si Robredo sa naturang lugar upang mamigay ng ayuda at relief goods sa mga pamilyang biktima ng bagyo at sinaksihan din niya ang ginagawang search and retrieval operations sa lugar.

Bago naging bise presidente ng Pilipinas, isang terminong nanungkulan si Robredo bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur sa Kongreso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.