Psychological therapy dapat ibigay sa mga nakaligtas sa #BagyongUsman

Office of the Vice President

Bukod sa relief goods, malilipatang bahay, at iba pang ayuda, kailangan din umano ng mga nakaligtas sa mga pagguho ng lupang epekto ng bagyong Usman ang psychological therapy.

Ito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo matapos niyang bisitahin ang mga residenteng nakaligtas sa delubyo sa Camarines Sur.

Ani Robredo, isa sa kanyang mga naka-usap ay tulala kaya naman bago sila tuluyang makabangon mula sa trahedya ay kailangan nilang mabigyang ng kaukulang therapy.

Aniya pa, malaki ang maitutulong ng therapy lalo na sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay matapos matabunan ng gumuhong lupa.

Dahil dito ay nangako si Robredo na tutulong ang Office of the Vice President (OVP) sa pagbibigay ng psychological therapy para sa mga residente.

Read more...