P3.7B ayuda ibibigay sa mga magsasakang naapektuhan ng #BagyongUsman

By Justinne Punsalang January 04, 2019 - 04:31 AM

PHOTO COURTESY OF BUHI POLICE

Magtatabi ang Department of Agriculture (DA) ng P3.7 bilyon mula sa kanilang pondo ngayong taon para ibigay sa mga magsasakang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Usman at iba pang mga kalamidad.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, 28,714 mga magsasaka ang makikinabang sa financial assistance na kanilang ipamimigay.

Mamimigay ng P25,000 soft loan at P5,000 ayuda mula sa Survival and Recovery Assistance Program (SURE) ang DA.

Bukod pa dito, bibigyan din aniya ng libreng farm seeds ng DA ang mga magsasaka bilang pamalit sa kanilang mga nasirang tanim.

Dagdag pa nito, nasa 12,000 ektaryang lupain ang nasira matapos magkaroon ng malawakang pagbaha at mga pagguho ng lupa sa Bicol Region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.