2 huli dahil sa pagbebenta ng marijuana sa Quezon City

By Justinne Punsalang January 04, 2019 - 03:58 AM

Contributed photo

Arestado ang dalawang lalaking drug suspek matapos mahulihan ng marijuana sa Barangay Masagana, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Nigel Nicolas na kabilang sa bagong binabantayang mga drug personality at Enrico Zamora.

Napag-alamang dati nang sumuko si Zamora sa mga otoridad dahil pa rin sa pagiging sangkot sa iligal na droga.

Nakuha mula sa dalawa ang apat na medium size na mga pakete na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana, limang maliliit na zip lock na naglalaman naman ng high grade marijuana o kush, buy bust money, at cellphone na hinihinalang gamit ng mga suspek sa kanilang mga transaksyon.

Mismong ang mga suspek ang umamin na mula sa Bontoc, Mountain Province ang mga marijuana.

Depensa ng mga ito, ipandaragdag nila ang benta ng marijuana sa kanilang pera dahil kulang ang kanilang sweldo bilang mga trabahador ng isang motor shop.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.