Drug suspek patay sa engkwentro sa Laguna

By Justinne Punsalang January 04, 2019 - 12:47 AM

Nasawi ang isang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa isang shootout sa Barangay San Nicolas sa San Pablo City, Laguna kagabi.

Kinilala ni Senior Superintendent Eleazar Matta, hepe ng Laguna Provincial Police, ang suspek na si Jonald Morendo.

Nabatid na si Morendo ay caretaker umano ng isang plantasyon ng talong sa naturang lugar ngunit tubong Tiaong, Quezon.

Ayon kay Matta, matapos ang transaksyon ay natunugan ni Morendo na pulis ang kausap, dahilan upang bumunot ito ng baril at paputukan ang mga otoridad.

Sa hudyat na ito ay gumanti ng putok ang mga pulis at napuruhan ang suspek.

Dinala pa sa ospital ang tulak ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Narekober mula kay Morendo ang isang kalibre .45 baril at hindi pa batid na dami ng shabu.

Ayon sa mga otoridad, front lamang ni Morendo ang pagtatrabaho sa plantasyon ng talong.

Nabatid na kabilang siya sa drug watchlist ng mga otoridad at nagbebenta ng droga sa mga parokyanong tricycle at jeepney driver sa Barangay San Nicolas, San Rafael, at San Francisco.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.