Relief goods para sa mga biktima ng #BagyongUsman sa Northern Samar ipinadala sa pamamagitan ng chopper

By Justinne Punsalang January 04, 2019 - 03:24 AM

Hirap pa rin ang pamahalaan na mapasok ang bayan ng Lope de Vega sa Northern Samar dahil sa mga baradong kalsada dulot ng pagguho ng lupa sa lugar.

Dahil dito ay ibinabagsak na lamang ng chopper ng gobyerno ang mga relief goods sa 15 mga barangay sa naturang bayan.

Aminado ang alkalde ng Lope de Vega na si Ana Palloc na kulang ang kanilang pondo upang makapagpatayo ng maayos na evacuation center.

Maging ang fire department ng bayan ay kulang sa mga kagamitan, kaya naman humingi na ng tulong sa publiko si acting municipal fire marshall Darwin Orsolino.

Batay sa huling datos, nasa 500 pamilya ang wala ngayong matirhan habang 15,000 mga residente ang naapektuhan ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.