Death toll sa pagsabog sa Russia umabot na sa 39

By Justinne Punsalang January 04, 2019 - 12:19 AM

AP Photo

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog sa isang apartment building sa Magnitogorsk, Russia.

Sa huling tala, 39 na ang bilang ng mga bangkay na narekober mula sa guho.

Ayon sa isang Russian official na si Alexandre Tchouprian, 38 sa mga bangkay ang nakilala na, habang ang isa ay wala pa ring pagkakakilanlan.

Dagdag pa nito, tapos na ang operasyon sa guho at wala na silang inaasahang makukuha pang mga labi.

Samantala, inaprubahan na ni Chelyabinsk regional governor Boris Dubrovsky ang one million rubles o USD14,500 na ayuda para sa mga pamilyang namatayan, habang maglalaan ng 400,000 rubles o USD5,826 para naman sa mga nasugatan.

Makatatanggap din ng 500,000 rubles o USD7,282 ang mga pamilyang nawalan ng tirahan bukod pa sa bagong bahay.

Ayon pa kay Dubrovsky, sila rin ang magbabayad para sa paglilibing sa mga bangkay.

Nagiba dahil sa isang gas explosion ang 10 palapag na apartment building, kung saan 35 apartment units ang nasira.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.