Pangulong Duterte, hindi hihingi ng apology sa kanyang ‘maid story’

By Len Montaño January 03, 2019 - 09:48 PM

Hindi hihingi ng apology si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kwento nito na hinipuan niya ang dati nilang kasambahay kahit inuulan pa ito ng batikos lalo na mula sa grupo ng mga kababaihan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, matapos ang “maid story” ng Pangulo ay hindi ito titigil sa pagsasabi ng anyay “exaggerated stories.”

Paliwanag ni Panelo, nakikita kasi ng Pangulo na ang pagbibiro at pag-exaggerate ng istorya ang epektibong paraan para maipahatid ang kanyang mensahe sa mga tao.

Ito anya ang estilo ni Duterte mula pa noong kampanya at nagiging malinaw ang mensaheng gusto nitong iparating.

Ang hindi anya paghingi ng paumanhin ng Pangulo sa kwento sa kanilang kasambahay ay dahil sinadya niya ang istorya at walang bastos ukol dito.

Iginiit ng Kalihim na gawa gawa lang ng Pangulo ang pangyayari para gawing dramatiko ang anyay pagiging ipokrito ng ilang pari.

Minaliit naman ng opisyal na ang istorya ng Pangulo tungkol sa kanilang kasambahay ay magiging daan sa harassment o pambabastos sa mga kababaihan.

TAGS: rodrigo duterte, Salvador Panelo, rodrigo duterte, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.