Partikular na rito ang kinukuwestyong pagbubuhos ng malaking alokasyon at special treatment para sa Sorsogon at iba pang lugar na hindi naman binabaha.
PERO batay sa mga dokumento mula sa DPWH, lumalabas na ikalawa lang ang Sorsogon sa may malaking budget allocation para sa mga imprastruktura nuong 2018 na aabot sa 10.5 billion pesos at nagamit ang lahat ng pondo para sa mga proyektong pipigil sa pagbaha sa lalawigan.
Una sa listahan ang lalawigan ng Albay na may 11.2 billion pesos, ikatlo ang Camarines Sur, sumunod ang Masbate, Camarines Norte at Catanduanes.
Nagisa rin sa pagdinig ang mga district engineer ng DPWH at ang DPWH Region 5 patungkol sa kung paanong nakalulusot sa bids and awards committee ang pag-apruba ng kontrata ng CT Leoncio Construction and Trading gayung nagrerenta lang ito ng heavy equipment at mayruong tatlong project engineers habang nakakuha ng mahigit 30 kontrata mula sa gobyerno.