Mga nakolektang basura sa Maynila halos dumoble kumpara noong nagdaang holiday season
Aminado ang pamahalaang lungsod ng Maynila na mas marami ang iniwang basura ng ating mga kababayan ngayong nagdaang Pasko at Bagong Taon kumpara noong mga nakalipas na holiday season.
Ayon kay Che Borromeo – head ng Task Force Manila Manila Cleanup, noong Pasko nakakolekta sila ng 25 truckloads ng basura sa Divisoria pa lamang ‘di hamak na mas marami kumpara sa koleksyon ng basura sa regular na mga araw.
Mas marami pa ang nahakot na basura sa Divisoria noong Bagong Taon na umabot ng 42 dumptruck.
Sinabi ni Borromeo, na ngayon taon ang pinakamarami nilang koleksyon ng basura kaya natagalan din na tuluyang nakahot sa maghapon ang iniwang basura ng mga nagtungo sa Divisoria.
Sinabi ni Borromero na halos dumoble rin ang nahakot nilang basura sa mga palengke sa Maynila nitong Pasko at Bagong Taon.
Sa Blumentritt market, umaabot anya sa 7 hanggang 8 dumptruck ng basura ang nakolekta nila ngayong nagdaang holiday, mas mataas sa 4 hanggang 5 truck ng regular na hakot ng basura kada araw.
Sinabi ni Borromeo na kapag naikarga na sa kanilang mga truck ang nahakot na basura, agad itong idinidiretso sa Pier 18 para isakay naman sa barge na magdadala nito sa dumpsite sa Navotas landfill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.