Footbridge sa bahagi ng Cabrera-EDSA sa Pasay isasara muna sa publiko

Isasara muna sa mga pedistrian ang Cabrera-EDSA Footbridge sa Pasay City.

Sa abiso ng Pasay City Government ito ay bilang pagpapatupad na rin ng seguridad dahil sa peligro ng pagbagsak ng debris mula sa nasabing tulay.

Sinabi ng City Government na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa MMDA hinggil dito.

Samantala, inabisuhan din ng Pasay Government ang mga motorista naman sa posibleng masikip na daloy ng traffic na mararanasan sa bahagi ng EDSA kanto ng R. Rodriguez.

Ito ay dahil apektado ng tumatagas na water pipe sa lugar ang dalawang linya ng northbound ng kalsada.

Read more...