Pagdinig sa umano’y anomalya sa budgeting system, inumpisahan na ng Kamara

By Erwin Aguilon January 03, 2019 - 10:41 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Nagdaos ng pagdinig sa Naga City ang House Commitee on Rules kaugnay sa kwestyunableng multi-bilyong proyekto na nakuha ng isang kontraktor na naka-base sa lungsod.

Isinagawa ang pagdinig sa Avenue Convention Plaza sa Naga City.

Kabilang sa mga resource person na dumating sa pagdinig ay ang mga opisyal ng CT Leoncio Construction partikular ang may-ari nitong si Consolacion Leoncio.

Tutukuyin sa pagdinig ang legal na basehan at posibleng epekto ng pag-shift sa cash-based budgeting system mula sa dating obligation-based.

Ipinatupad ng Department and Budget and Management ang bagong sistema sa ilalim ng 2019 national budget.

Una rito, sinabi ni House Majority Leader Ronaldo Andaya Jr. na P500 milyong halaga ng infrastructure projects ang ang napunta sa kumpanya na ang may-ari ay in-laws ni Diokno.

Ang tinutukoy ni Andaya ay si Maria Minez Hamor na may-ari ng Aremar Construction Corporation.

Ang Arimar ka-partner ng CT Leoncio Construction para sa apat na proyekto sa Sorsogon.

Si Hamor ay anak ni Sorsogon Mayor Edwin Hamor na ama naman ng manugang ni Diokno na si Jojo Sicat.

TAGS: hearing, House of Representatives, naga city, Radyo Inquirer, hearing, House of Representatives, naga city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.