Matapos maging viral ang nasabing pelikula ni Sandra Bullock, kumakalat din sa social media ang challenge na hango dito kung saan ang mga kumakasa sa hamon ay nagsusuot ng piring sa mata at saka ginagawa ang pang-araw araw na gawin, gaya ng sa Bird Box.
Sa abiso ng Netflix, umapela ito sa publiko na huwag gawin ang Bird Box Challenge na maaring makasakit sa kanila.
Bagaman natutuwa aniya ang Netflix sa ipinakikitang pagtanggap ng viewers sa pelikula, hindi naman nila nais na may masaktan dahil sa paggawa ng challenge.
Sa pelikula, si Bullock at kaniyang dalawang anak ay makikitang nakapiring ang mga mata habang nakasakay sa bangka at habang nasa kagubatan para proteksyunan ang kanilang sarili laban sa supernatural entities na kapag nakita nila ay kanilang ikamamatay.
Ang naturang pelikula ay most-watched film na sa Netflix sa loob lamang ng unang pitong araw mula nang ito ay ipalabas.