Kaso laban sa mga INC officials ibinasura ng DOJ

By Ricky Brozas November 17, 2015 - 08:51 PM

IGLESIA NI KRISTO / file photo /SEPT. 7, 2009 Iglesia ni Cristo (INC) central headquarters in Quezon City. PHOTO BY NINO JESUS ORBETA
PHOTO BY NINO JESUS ORBETA

Ibinasura ng Department of Justice ang dalawang reklamo na inihain laban sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) dahil sa kawalan ng sapat na batayan at ebidensya.

Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon, inirekomenda ng DOJ panel na idismiss ang mga reklamo na inihain nina Isaias Samson at Lito Fruto laban sa Sanggunian ng Iglesia ni Cristo.

Ayon sa DOJ, nabigo ang kampo ni Samson na patunayan ang paratang nitong grave coercion at illegal detention. Wala rin anilang ebidensya na nakaranas ang mga ito ng pisikal na pananakit, pagbabanta, karahasan at intimidation mula sa Sanggunian ng Iglesia ni Cristo nang kumpiskahin ang kanyang pasaporte, service vehicle, laptop, cellphone at iba pang personal na gamit at nang umano’y pwersahing pasukin ang kanyang tahanan.

Bukod sa kaso ni Samson, wala ring probable cause ang reklamo ni Fruto laban sa INC na illegal arrest, arbitrary detention at violation of abode.

Ibinasura rin ang reklamo nitong robbery dahil sa wala naman siya sa bahay nang maganap ang di umanoy pagnanakaw.

Ang mga resolusyon ay nilagdaan at inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano.

Ang panel na nag-imbestiga ay pinamunuan ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva at miyembro naman sina Asst. State Prosecutors Olivia Torevillas and Mark Roland Estepa.

TAGS: INC, Isaias Samson, Sanggunian, INC, Isaias Samson, Sanggunian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.