Tupok na tupok ang isang sasakyan matapos itong biglang mag-apoy habang binabagtas ang bahagi ng Quiapo sa Maynila.
Sakay ng nasabing SUV na isang kulay green na 2000 model na Ford Expedition ang driver na si Mark Jose Baeyens.
Ayon kay Fire Sr. Insp. Reden Alumno, chief arson ng Manila Fire Bureau, batay sa kwento ng driver galing ito ng Marikina at patungo sana ng South Harbor.
Bigla na lamang umanong umusok ang harapan ng sasakyan kaya agad niya itong itinabi at doon na nagsimulang magliyab.
Sunog na sunog lalo na ang unahang bahagi ng sasakyan kaya pinaniniwalaang problema sa electrical wiring ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.
Hindi naman nasaktan ang driver dahil agad itong nakalabas.
MOST READ
LATEST STORIES