Death toll sa gas explosion sa apartment building sa Russia umabot na sa 28

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2019 - 08:49 AM

AP Photo
Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog sa apartment building sa Russia.

Sa pinakahuling datos, 28 na ang na-recover na bangkay sa gusali na nagkaroon ng pagguho matapos ang pagsabog.

Mayroon pang 13 na nawawala.

Sa inisyal na imbestigasyon, gas leak ang dahilan ng pagsabog na nakapinsala sa sa 48 apartments sa 10-palapag na gusali.

Noong Martes, 35 oras matapos ang pagsabog at pagguho, isang sanggol na lalaki ang natagpuang buhay ng mga rescuer.

900 katao ngayon ang natutulong-tulong sa isinasagawang search and rescue operation.

TAGS: gas explosion, gas leak, Russia, gas explosion, gas leak, Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.