9 arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Tondo, Maynila
Siyam na katao ang naaresto sa ikinasang magkakasunod na operasyon kontra ilegal na droga sa Tondo, Maynila.
Unang nadakip ang tatlong lalaki sa Alameda Street sa ikinasang buy-bust operation kung saan nasabat sa mga ito ang 11 pakete na naglalaman ng hinihinalang marijuana.
Sa bahagi naman ng Guido Street nadakip ang apat na lalaki habang nasa tabi ng riles, kabilang ang isang target ng operasyon na hinihinalang drug pusher.
Nakuha naman sa ikalawang grupo ang ilang sachet ng shabu na tinatayang aabot sa P30,000 ang halaga.
Samantala, ayon kay Chief Insp. Ness Vargas ng Manila Police District Station 7, dalawang menor de edad din ang inaresto matapos na maaktuhang gumagamit ng marijuana.
Nai-turnover na sa DSWD ang dalawang menor de ead habang mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang iba pang nadakip na mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.