APEC hotlines inilabas para sa oras ng emergency

APEC-hotline
Kuha ni Julianne Love de Jesus

Ilang raw makaraang silang ulanin ng batikos, naglabas ngayon ng listahan ng hotlines ang APEC Multi-Agency Coordination Center na pwedeng tawagan ng publiko 24-oras.

Sinabi ni Philippine National Police Spokesman Wilben Mayor na pwedeng magtanong ang publiko ng mga ruta na maaring daanan kapag sila’y naipit sa isang partikular na lugar dito sa Metro Manila.

Hinikayat din ng opisyal ang publiko na mag-ulat ng mga kahina-hinalang bagay o tao sa kanilang hotlines para na rin sa seguridad ng lahat hindi lamang ng mga APEC delegates.

Ang hotlines na pwedeng tawagan para sa mga Globe users ay ang 0906-2163615 samantalang pwede namang tawagan ng mga Smart subcribers ang numerong 09497290082.

Umapela sa publiko si Mayor na tanging mga seryosong tawag lamang ang kanilang tutugunan kasabay ang panawagan na huwag paglaruan ang nasabing mga phone numbers.

Sa kasalukuyan ay naka-kalat na sa Metro Manila lalo na sa mga pagdarausan ng pulong ang mga tauhan ng PNP, Armed Forces of the Philippines, Presidential Security Group at Bureau of fire Protection.

 

Read more...