Bilang ng mga nasawi sa Bicol Region mahigit 100 na

By Justinne Punsalang January 03, 2019 - 05:03 AM

John Roson, Inquirer Bandera

Pumalo na sa 105 ang bilang ng mga iniwang nasawi ng bagyong Usman sa bahagi ng Bicol Region.

Batay sa datos na inilabas ng Office of the Civil Defense (OCD) Region 5, naitala ang pinakamaraming casualties sa lalawigan ng Camarines Sur na may 57. Karamihan dito ay mula sa bayan ng Sagñay na may 30 mga nasawi.

18 naman ang mga namatay sa probinsya ng Albay, 15 sa Camarines Norte, walo sa Sorsogon, at pito sa Masbate.

Samantala, 23 katao ang hindi pa rin natatagpuan hanggang sa ngayon. Mula sa naturang bilang, 20 ang mula sa Camarines Sur at tatlo naman ang sa Albay.

Naitala rin ng OCD Region 5 ang 53 bilang ng mga nasugatan matapos manalasa ang bagyong Usman.

Pinakamarami ang naitala sa Camarines Sur na may 36, sinundan ng Albay na may pito, Sorsogon na may anim, at apat naman mula sa Camarines Norte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.