Taas-singil ng Maynilad at Manila Water epektibo na

By Rhommel Balasbas January 03, 2019 - 01:34 AM

Nag-umpisa na ang implementasyon ng dagdag-singil ng Manila Water at Maynilad noong Enero 1.

Matatandaang noon pang nakaraang taon ay inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang dagdag-singil ng dalawang concessionaires alinsunod sa annual rate adjustment na nakabatay sa inflation.

Sa isang panayam, sinabi ni Manila Water spokesperson Jeric Sevilla na ang inflation rate noong Hulyo na 5.7 percent ang pinagbatayan ng dagdag-singil.

Batay kasi anya sa concession agreement, ang inflation rate tuwing buwan ng Hulyo ay ang pinagbabatayan ng ipatutupad na increase sa susunod na taon.

Ang inaprubahang dagdag-singil ng MWSS para sa Manila Water ay P0.64 per cubic meter.

Habang P1.48 per cubic meter naman ang sa Maynilad.

Kasama na ang naturang dagdag-singil sa January bill ng mga consumers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.