READ: Pangalan ng mga bagyo para sa 2019

Amang, Betty, Chedeng, Dodong at Egay, ito ay ilan lamang sa mga pangalan na ibibigay ng PAGASA sa mga bagyong papasok sa bansa ngayong taon,

Pinapalitan ng PAGASA ang international names ng mga bagyo sakaling pumasok na ang mga ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Narito ang pangalan ng mga bagyo sa taong ito:

• Amang
• Betty
• Chedeng
• Dodong
• Egay
• Falcon
• Goring
• Hanna
• Ineng
• Jenny
• Kabayan
• Liwayway
• Marilyn
• Nimfa
• Onyok
• Perla
• Quiel
• Ramon
• Sarah
• Tisoy
• Ursula
• Viring
• Weng
• Yoyoy
• Zigzag

Mayroong four sets ng mga pangalan ang PAGASA na ginagamit kada taon.

May average na 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon ngunit sakaling lumampas sa 25 ang bagyo, may nakahandang auxiliary list ang PAGASA.

Ang mga pangalan na gagamitin kapag kinulang ang opisyal na listahan ay ang mga sumusunod.

• Abe
• Berto
• Charo
• Dado
• Estoy
• Felion
• Gening
• Herman
• Irma
• Jaime

Samantala, tinatanggal ng PAGASA sa kanilang listahan ang pangalan ng isang bagyo sakaling nagdulot ito ng pagkasawi ng 300 katao at nasa P1B halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Maaari ring tanggalin ang isang pangalan sakaling may kaugnayan ito sa isang sikat personalidad upang hind imaging tampulan ng tukso ng publiko.

Read more...