Mga Pinoy sa Japan ligtas sa naganap na car attack — DFA

By Justinne Punsalang January 03, 2019 - 02:14 AM

AP

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa naganap na car attack sa Tokyo, Japan.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na walang Pilipinong kabilang sa siyam na sugatan matapos araruhin ng isang driver ang mga taong nagdiriwang ng Bagong Taon sa Central Tokyo.

Nagmula ang impormasyon mula mismo sa embahada ng Pilipinas sa Tokyo.

Lahat ng mga nasugatan na nagtamo ng minor hanggang serious injuries ay nagpapagaling na sa ospital.

Agad namang nahuli ng mga pulis ang 21 taong gulang na driver.

Posible umanong isang terror attack ang naturang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.