Expertise ng Pilipinas sa climate change, ibabahagi sa Colombia

By Alvin Barcelona November 17, 2015 - 07:38 PM

Colombia-Santos
Inquirer file photo

Handa ang pilipinas na turuaan ang Colombia kung paano mapaghahandaan at haharapin ang mga epekto ng climate change.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, sinabi ni Colombian President Juan Manuel Santos sa bilateral meeting nito kay Pangulong Aquino kanina na malaki ang pagtingin nila sa Pilipinas bilang mahalagang source ng climate change adaptation and mitigation.

Bilang sagot, sinabi ng Pangulo na ibabahagi nito sa Colombia ang mga natutunan nito at best practices sa prinsipyo ng Build-Back-Better scheme at magtatatag ng disaster resiliency.

Samantala, handa naman si President Santos na ibahagi ang karanasan at kaalaman nito sa giyera laban sa insurgency at droga mula sa deka-dekada nilang pakikipaglaban dito.

Ang Colombia ay isa sa mga bansang may malaking problema sa iligal na droga kung saan ay napaulat na rin na isa ang Pilipinas sa mga bansang pinagdadalhan ng kanilang iligal na kotrabando.

 

TAGS: apec, Aquino, Colombia, Santos, apec, Aquino, Colombia, Santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.