Anak ng OFW sa Davao Occidental patay sa pananaksak

Walang habas na pinagsasaksak hanggang sa mamatay ang anak ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Sta. Maria, Davao Occidental.

Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuan na lamang ang mga labi ni Jane Macusol, 18 anyos sa kanilang tahanan sa Barangay Mamacao.

Nagtamo ang biktima ng 20 saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at pinukpok din ng martilyo ang ulo nito.

Ayon kay Sta. Maria Police Chief Sr/Insp. Kirby Badilles, nakilala na ang suspek na si Wangyo Tribunal, kaibigan ng biktima.

Inaasahan nang babalik sa bansa ang ina ng biktima ngayong linggo.

Read more...