Nagbebenta ng taho huli dahil sa droga sa Marikina City

Marikina PNP

Arestado ang isang lalaki matapos magkasa ng buy bust operation ang mga elemento ng Marikina City Police sa Barangay Malanday kagabi.

Nakilala ang drug suspek na si Francisco Estrada alyas Titeng, 42 taong gulang at isang vendor ng taho.

Ayon sa Marikina City Police, sa mismong bahay ni alyas Titeng naganap ang transaksyon ng iligal na droga.

Positibong nakabili ang mga otoridad ng isang sachet ng shabu, bukod pa sa tatlong pakete na naglalaman din ng ipinagbabawal na gamot.

Mahaharap si alyas Titeng sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...