DND: Walang indikasyon ng iba pang pambobomba sa Mindanao

By Rhommel Balasbas January 03, 2019 - 03:54 AM

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang indikasyon na magkakaroon pa ng iba pang insidente ng pambobomba sa Mindanao.

Ito ay matapos maglabas ng travel warning ang United Kingdom sa kanilang mga mamamayan sa pagpunta sa Mindanao dahil sa isyu umano ng terorismo.

Noong bisperas ng Bagong Taon ay sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa isang shopping mall sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat naman ng 34 iba pa.

Ayon kay Lorenzana, ang advisory ng UK ay karaniwan namang ginagawa ng foreign governments at ginagawa rin ito ng Pilipinas sakaling may mga kahalintulad na pangyayari sa ibang bansa.

Samantala, sinabi ni Army 6th Infantry Division (6th ID) chief Maj. Gen. Cirilito Sobejana na isolated case ang naganap na pambobomba sa Cotabato.

Giit pa nito, marami pang ibang lugar sa Mindanao na ligtas na bisitahin ng mga turista.

Tiniyak ng military official na pinaiigting ng AFP at PNP ang seguridad sa Mindanao para kaligtasan ng lahat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.