Pwersahang pagpapalikas sa mga residente ng landslide-prone areas iginiit ni VP Robredo

By Justinne Punsalang January 03, 2019 - 02:53 AM

Leni Robredo

Nais ni Vice President Leni Robredo na magkaroon ng mas mahigpit na pamamaraan ang lokal na pamahalaan upang mabalaan at mapalikas ang mga residente sa landslide prone areas.

Sa pagbisita ng pangalawang pangulo sa Barangay Patitinan, Sagñay sa Camarines Sur, sinabi nito na bagaman mayroon umanong inilabas na warning para sa mga pamilya sa lugar, marami pa rin ang nagmatigas at hindi umalis dahil naroon ang kanilang mga hanapbuhay.

Para kay Robredo, dapat pwesahin na ang mga apektadong residente na huwag nang bumalik sa mga landslide prone areas.

Hinimok pa ni Robredo ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga lugar na may banta ng pagguho ng lupa at pwersahin ang mga residente doon na lumikas na.

Aniya, mas makabubuti ang pag-iwas sa mga sakuna.

Dagdag pa nito, kailangang magpatayo ang pamahalaan ng seawalls at flood control projects bilang permanenteng solusyon na makapagliligtas sa mga mamamayan mula sa mga epekto ng bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.