Pagbisita ni Pope Francis sa Iraq hindi pa maisapinal

By Justinne Punsalang January 03, 2019 - 12:47 AM

AP

Hindi pa makausad ang pagpaplano ng Vatican para sa pagbisita ni Pope Francis sa Iraq.

Ito ay dahil hindi pa rin maayos ang mga kundisyon na magtitiyak sa kaligtasan ng Santo Papa.

Ayon kay Vatican secretary of state, Cardinal Pietro Parolin, malaking balakid sa kanilang pagpaplano ang umiiral na terorismo sa nasabing bansa.

Aminado aniya ang mga otoridad ng Iraq na laganap pa rin ang mga pagkilos sa kanilang bansa, kabilang na ang Islamic State (ISIS).

Gayumpaman, nais pa rin ni Pope Francis na matuloy ang pagbisita sakaling maisaayos na ang kanyang seguridad.

Una nang nadalaw ng Santo Papa ang ibang mga Muslim countries gaya ng Turkey noong 2014, Azerbaijan noong 2016, at Egypt noong 2017.

Sa Pebrero naman ay nakatakdang pumunta ang Santo Papa sa United Arab Emirates, at sa Morocco sa Marso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.