US Embassy, kinundena ang pagsabog sa isang mall sa Cotabato City

By Rod Lagusad January 02, 2019 - 08:56 PM

Kinundena ng US Embassy sa Pilipinas ang naganap na pagsabog sa isang mall sa Cotabato City noong bisperas ng bagong taon.

Nag-paabot ng pakikiramay ang embahada sa pamilya ng mga biktima.

Umaasa rin ang embahada sa mabilis na paggaling ng mga nasugatan sa insidente.

Dahil sa pagsabog, dalawa ang namatay at aabot sa 34 katao ang nasugatan.

Una nang nangako ang Palasyo ng Malakanyang na aalamin kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog sa lalong madaling panahon.

TAGS: Cotabato City, US Embassy, Cotabato City, US Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.