Ilang testigo sa pagpatay kay Batocabe, nakausap na ng PNP

By Len Montaño January 02, 2019 - 08:27 PM

Lumutang at nakausap na ng Philippine National Police (PNP) ang ilang testigo sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at police escort nitong si SPO1 Orlando Diaz.

Ayon kay PNP Spokeperson Chief Supt. Benigno Durana Jr., wala siyang gaanong detalye sa ibang impormasyon ng imbestigasyon kundi ang paglutang ng ilang testigo.

Postibo anya ang takbo ng imbestigasyon at malapit nang mag-anunsyo ang pulisya ng development sa kaso.

Lahat anya ng mga testigo at kanilang mga testimonya ay magbibigay liwanag sa kaso.

Pwede umanong magresulta ang mga ito sa positibong lead na magtuturo sa mga pumatay kabilang ang utak ng krimen.

Pero sa ngayon ay sinabi ni Durana na hindi niya alam kung lumalabas sa imbestigasyon na may halong pulitika ang pagpatay kay Batocabe.

Una nang sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na pulitika ang tinitingnang motibo sa pagpatay sa kongresista.

TAGS: Orlando Diaz, Rodel Batocabe, Orlando Diaz, Rodel Batocabe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.