Patay sa Bagyong Usman, umakyat na sa 85

By Len Montaño January 02, 2019 - 08:19 PM

OCD photos

Umakyat na sa 85 ang death toll sa Bagyong Usman

Ang huling bilang hanggang ngayong Miyerkules ay matapos na mapasok ng mga otoridad ang mga lugar na nagkaroon ng landslide kung saan ilang katao ang pinangangambahang patay na.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Edgar Posadas, kinukumpirma pa ang ulat na posibleng patay na ang ilang residente kabilang sa ilang lugar sa Bicol Region.

Pero maaari anyang tumaas pa ang bilang ng mga nasawi matapos mapasok ng mga rescuers ang ilang isolated areas.

Paliwanag ni Posadas, ilang residente sa bulubunduking lugar ang hindi sumunod sa panawagan ng NDRRMC na lumikas bago ang landfall ng Bagyong Usman noong weekend.

Kahit malakas anya ang dalang ulan ng bagyo, hindi naman malakas ang hangin ng Usman at naging low pressure area na lamang matapos tumama sa kalupaan.

Kailangan pa anyang tutukan ang aksyon o tugon ng mga tao kapag sinabihan silang lumikas na.

Hanggang Miyerkules ng umaga, nasa 20 ang patuloy na hinahanap at hindi bababa sa 40 ang nasugatan sa bagyong usman.

TAGS: Bagyong Usman, ndrrmc, Bagyong Usman, ndrrmc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.