1 patay, 4 sugatan matapos masagasaan ng jeep sa Pangasinan
Isa ang nasawi habang sugatan ang apat na iba pa sa aksidenteng naganap sa Pangasinan.
Ayon sa ulat ng Pangasinan police, nasawi habang dinadala sa pagamutan ang 23-anyos na si John Philip Pulido habang sugatan naamn sina John Rey Edrada, 20, Charles Jemuel Portez, 18, Dondon Soriano, 16, at Garry Sumera, 37.
Ang limang biktima ay sinasasaan ng rumaragasang jeep habang sila ay patungo sa Barangay Tomana West sa bayan ng Rosales.
Sinabi ni Sumera na isang barangay tanod, tumatawid sila sa kalsada at hindi sila hinintuan ng jeep.
Mabilis ding tumakas ang jeep matapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.