Chapel na ginamit bilang evacuation center kabilang sa natabunan sa landslide sa Sagñay, CamSur

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon January 02, 2019 - 09:56 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Isang chapel na ginawang evacuation center ang kabilang sa natabunan sa landslide na naganap sa Barangay Patitinan, bayan ng Sagñay sa Camarines Sur.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ensign Bernardo Pagador Jr, commander ng Philippine Coast Guard sa Camarines Sur na papasukin nila ang lugar ngayong araw gamit ang motorbancas at magdadala din sila ng K9 units.

Sinabi ni Pagador na humigit-kumulang 20 ang bilang ng posibleng lumikas sa nasabing chapel

Sa nasabing chapel pinalikas ang mga residente dahil sa banta ng bagyong Usman, gayunman, ng gumuho ang bundok sa bahagi sa Sitio Garang, kabilang sa natabunan ang chapel.

Hindi pa naman matukoy ni Pagador ang eksaktong bilang ng mga populasyon sa Sitio Garang, pero sa pinakahuling datos, umaabot pa sa 41 ang bilang ng mga residenteng nawawala.

TAGS: landslide, Sagnay Camarines Sur, usman, landslide, Sagnay Camarines Sur, usman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.