Mahigit 34,000 bumiyahe sa mga pantalan sa nakalipas na magdamag
Umabot sa mahigit 34,000 na ang naitalang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan sa bansa sa nakalipas na magdamag.
Mula alas 6:00 ng gabi ng Martes (Jan. 1) hanggang alas 6:00 ng umaga kanina (Jan. 2), nakapagtala ang Philippine Coast Guard ng 34,848 na outbound passengers sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.
Naitala ng Coast Guard ang maraming bilang ng mga pasahero sa sumusunod na mga pantalan:
Southern Tagalog – 8,630
• Batangas – 4,044
• Oriental Mindoro – 1,365
• Southern Quezon – 1,683
• Occidental Mindoro – 390
• Romblon – 1,148
Central Visayas – 6,914
• Cebu – 5,641
• Bohol – 1,273
Northern Mindanao – 6,171
• Surigao del Norte – 1,123
• Misamis Oriental – 1,484
• Misamis Occidental – 258
• Camiguin – 2,635
• Agusan Del Norte – 671
Eastern Visayas – 5,461
• Western Leyte – 1,965
• Southern Leyte – 478
• Eastern Leyte – 356
• Western Samar – 115
• Northern Samar – 2,547
Western Visayas – 3,516
• Aklan – 1,342
• Iloilo – 2,174
Southern Visayas – 2,580
• Negros Oriental – 1,130
• Negros Occidental – 1,450
South Eastern Mindanao – 1,380
• Davao – 1,380
6.Bicol – 164
• Sorsogon – 164
National Capital Region – 32
• Laguna De Bay – 32
Magpapatuloy ang monitoring ng Coast Guard sa mga bumibiyaheng pasahero dahil marami ang magsisiuwian matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.