Bilang ng mga lumalabag sa mga ordinansa ng Maynila, bumaba
Hindi katulad noon na daan-daan ang naaaresto ng mga tauhan ng Manila Police District na mga indibidwal na lumalabag sa mga ordinansa ng pamahalaang lungsod ng Maynila kada araw, malaki ngayon ang ibinaba ang bilang ng mga nahuling lumalabag.
Sa nagdaang 24-oras mula alas 5:00 ng umaga kahapon (Jan. 1) hanggang alas 5:00 ng umaga kanina (Jan. 2 ), 24 lamang ang dinakip dahil sa paglabag sa iba’t ibang city ordinances.
Kabilang sa nilabag ng mga naaresto ay ang smoking ban, pag-inom ng alak sa kalye, at paglalakad ng walang saplot sa itaas.
Paliwanag ni MPD Director Senior Supt. Vicente Danao Jr., ito ay dahil sa seryosong implementasyon ng mga ordinansa at mahigpit na pagpapairal ng parusa.
Kabilang sa parusang kinakaharap ng mga naaarestong lumalabag sa ordinansa ay tatlong araw na pagkakulong at multa, bukod pa ang pagkakaroon ng rekord sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.