Tony Labrusca ilang beses nagnakaw ng pagkain sa 7-11 noong bata pa dahil sa kahirapan

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2019 - 07:43 AM

FB Photo: Happy Hour with Angel

Si Tony Labrusca ang guest sa pilot episode ng talk show kung saan host ang kaniyang ina.

Sa episode ng Happy Hour with Angel Jones, naging unfiltered at honest ang talakayan ng mag-ina.

Napag-usapan ng mag-ina ang pagiging single mom at ang panahong nakaranas sila ng labis na kahirapan.

Ani Jones, dumating ang mga panahon noon na kahit tubig ay wala siyang maipambili para sa mga anak.

Inalala din ni Jones na siya ay lumaki din sa isang broken family dahil single mom din ang kaniyang ina.

Katunayan ani Jones, nakaranas sila noon ng sobrang hirap noon at naalala niyang nagnakaw siya noon ng donut para may makain.

Doon naman ibinunyag ni Labrusca na noong high school siya ilang beses din siyang nagnakaw ng pagkain sa 7-11 para may makain.

Ikinuwento rin ni Labrusca na may pagkakataon din na nagnakaw siya ng bag sa isang tindahan noong High School .

Matapos makuha ang bag, na-realize umano niyang mas gusto niya ang ibang kulay kaya binalikan pa niya ito at ninakaw din, at inilagay sa loob ng bag na una niyang kinuha.

Sinabi naman ni Labrusca na hindi niya ikinukwento ang pangyayari para hikayatin ang mga kabataan na magnakaw kundi nais lamang niyang ipakita na may mga pagkakataong nangyayari at kailangan na gawin para maka-survive.

TAGS: Happy Hour with Angel, Radyo Inquirer, Tony Labrusca, Happy Hour with Angel, Radyo Inquirer, Tony Labrusca

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.