Mga pasaherong nagsisiuwian matapos ipagdiwang ang Bagong Taon, dagsag na sa mga pantalan

MARINA Photo

Simula kahapon maraming pasahero na ang bumiyahe sa mga pantalan sa bansa para umuwi matapos ipagdiwang ang Bagong Taon.

Ayon sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), mula alas 12:00 ng tanghali kahapon, araw ng Martes hanggang alas 6:00 ng gabi ay nakapagtala na ng 57,221 na mga pasaherong bumiyahe.

Pinakamarami ang naitalang pasahero sa mga pantalan sa South Eastern Mindanao na umabot sa 12,954; sinundan ng Western Visayas – 11,468; Central Visayas – 9,311; Southern Visayas – 5,499; at Eastern Visayas – 5,037.

Marami na ring pasahero na naitala sa mga pantalan sa National Capital Region, South Western Mindanao, Palawan, Southern Tagalog, North Western Luzon, Bicol, Northern Mindanao, at North Eastern Luzon.

Read more...