Bilang ng mga pasaherong bumiyahe noong Dec. 31 tumaas – Coast Guard

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2019 - 06:30 AM

Nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng mga pasaherong bumiyahe noong Dec. 31, 2018 ang Philippine Coast Guard kumpara noong nagdaang mga taon.

Sa datos ng Coast Guard sa kanilang Oplan Ligtas BIyahe, noong Dec. 31, 2018 nakapagtala ng 220,355 na outbound passengers sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.

Mas mataas ito ng 8.25 percent kumpara sa naitalang bilang ng mga pasahero noong Dec. 31. 2017.

Pinakamaraming bilang ng mga bumiyaheng pasahero ay sa mga pantalan sa Davao na umabot sa 43,861; sumunod ang Iloilo – 29,865; Cebu – 23,950; Northern Samar – 10,188 at Batangas – 9,292.

TAGS: Oplan Biyaheng Ayos, philippine coast guard, Oplan Biyaheng Ayos, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.