Aabot sa P1.5 million na halaga ng ilegal na droga ang nasabat nga mga otoridad sa Bacoor, Cavite.
Nadakip sa nasabing operasyon ang suspek na si Rostom Kadtongan matapos nitong tanggapin ang marked money mula sa police asset na nagpanggap na bibili ng droga.
Nakuhanan din ng pekeng ID si Kadtongan.
Samantala, ayon kay Cavite Police Provincial Director Senior Superintendent William Segun, sa hiwalay na operasyon sa Brgy. Molino Tres, naaresto naman ang 14 na drug suspects.
Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung saan ang source ng ilegal na droga ng mga suspek.
MOST READ
LATEST STORIES