PAGASA walang namamataang sama ng panahon sa bansa sa loob ng 2-3 araw
Ngayong araw, tanging Hanging Amihan lang ang makakapekto sa malaking bahagi ng bansa partikular sa Luzon at Visayas.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihina hanggang katamtamang mga pag-ulan na minsan ay may kalakasan sa Cagayan Valley at Aurora.
Ibinabala ng weather bureau ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa naturang mga lugar.
Maulap na kalangitan din na may mahihinang pag-ulan naman ang aasahan sa Cordillera Administrative Region at lalawigan ng Quezon.
Sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at buong Visayas, bahagya hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan.
Ang buong Mindanao naman ay magkakaroon ng maalinsangan na panahon na may posibilidad lamang ng mag pag-ulan dulot ng localized thundertorms.
Samantala, nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
• Batanes
• Calayan
• Babuyan
• Cagayan
• Ilocos Provinces
• Isabela
• La Union
• Pangasinan
• Aurora
• Camarines Provinces
• Eastern coast ng Albay
• Eastern coast ng Sorsogon
• Eastern coast ng Quezon kabilang ang Polilio island
• Northern at Eastern Samar
• Dinagat Islands
• Eastern coast ng Surigao Provinces kasama ang Siargao Island
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.