3 nasawi sa pananalasa ng #BagyongUsman sa Oriental Mindoro

By Justinne Punsalang January 02, 2019 - 03:07 AM

Baco MSWDO photo

Nag-iwan ng tatlong patay ang bagyong Usman matapos itong manalasa sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Superintendent Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA Regional Police, isa sa mga nasawi si Eden Rubion, 19 na taong gulang na tinangay ng flashflood.

Bangkay na aniya nang matagpuan si Rubion sa Barangay Proper sa bayan ng Bansud.

Nasawi rin dahil sa flashflood si Rico Maestro, 59 na taong gulang, na natagpuan sa Barangay Tabon-tabon sa bayan naman ng Baco.

Wala na ring buhay nang makuha ng mga rescuers ang katawan ng menor de edad na si Mark Hernandez, 13 taong gulang, sa Barangay Bucayao sa Calapan City.

Nabatid na huling nakita si Hernandez na lumalangoy sa binahang lugar malapit sa kanilang bahay sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.