UK naglabas ng travel warning para sa Mindanao at Southern Cebu

By Rhommel Balasbas January 02, 2019 - 05:00 AM

Nagbabala ang United Kingdom sa mga mamamayan nito sa pagpunta sa Mindanao at Southern Cebu dahil sa terrorist activities.

Ang travel warning ay inilabas ng Foreign and Commonwealth Office (FCO) ng bansa matapos ang pagsabog sa shopping mall sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawang indibidwal at ikinasugat ng 34 katao.

Sa kanilang advisory, sinabi ng UK na posible pang maglunsad ng mga pag-atake ang mga terorista sa iba pang bahagi ng bansa kabilang na sa Maynila.

Binanggit pa ng UK ang public notice ng United States Transport Security Administration tungkol sa mahinang aviation security sa Ninoy Aquino International Airport.

Samantala, sinabi sa advisory na 154,000 British Nationals ang bumisita sa Pilipinas noong 2015.

Karamihan naman anila sa naturang mga pagbisita ay ‘trouble-free’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.