2 miyembro ng Basag Kotse patay sa engkwentro sa Quezon City

By Justinne Punsalang January 02, 2019 - 03:28 AM

Napatay ng mga pulis ang dalawang lalaking miyembro umano ng Basag Kotse gang sa Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Ayon sa hepe ng Quezon City Police District (QCPD) na si Police Chief Superintendent Joselito Esquivel, unang nakatanggap ng reklamo ang QCPD Station 5 tungkol sa insidente ng pagnanakaw.

Kwento ng biktima na isang barangay official, binasag ng dalawang kawatan ang salamin ng kanyang sasakyan at kinuha ng mga ito ang kanyang tablet at laptop.

Agad na nagkasa ng follow-up operation ang mga otoridad upang mahuli ang dalawa.

Samantala, nagsasagawa naman ng isang buy bust operation ang isa pang team ng mga pulis sa lugar, at nang makita ng dalawang lalaki ang mga ito ay una silang nagpaputok ng kanilang mga baril.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Narekober mula sa mga ito ang dalawang kalibre .38 revolver na kargado ng mga bala at ilang mga gamit na pinaniniwalaang ninakaw ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.